Awit 71

O Diyos ko, dahil sa inyong katapatan pupurihin ko kayo sa aking pagtugtog ng alpa. O Banal na Diyos ng Israel, aawit ako ng mga papuri sa inyo sa pamamagitan ng pagtugtog ng lira.

Psalm 71:22 (UKJV) I will also praise you with the psaltery, even your truth, O my God: unto you will I sing with the harp, O you Holy One of Israel.

20Bagamaʼt pinaranas nʼyo ako ng maraming hirap, bibigyan nʼyo akong muli ng bagong buhay. At mula sa aking pagkakalibing, akoʼy muli nʼyong bubuhayin.

21Bibigyan nʼyo ako ng mas higit na karangalan, at muli akong aaliwin.

22O Diyos ko, dahil sa inyong katapatan pupurihin ko kayo sa aking pagtugtog ng alpa. O Banal na Diyos ng Israel, aawit ako ng mga papuri sa inyo sa pamamagitan ng pagtugtog ng lira.

23Dahil akoʼy iniligtas nʼyo, sisigaw ako sa tuwa habang tumutugtog at umaawit ng papuri sa inyo.

24Lagi kong ipapahayag na kayo ay matuwid dahil nabigo at nalagay sa kahihiyan ang mga nagnais na mapahamak ako.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.