Awit 71

Kayo ay aking kasama, mula nang akoʼy isilang; sa sinapupunan ng aking ina, akoʼy inyong iningatan. Akoʼy magpupuri sa inyo, magpakailanman.

Psalm 71:6 (UKJV) By you have I been held up from the womb: you are he that took me out of my mother's bowels: my praise shall be continually of you.

4O Diyos ko, iligtas nʼyo ako mula sa kamay ng masasama at malulupit na tao.

5Kayo ang aking pag-asa, O Makapangyarihang Panginoon. Mula noong akoʼy bata pa, sa inyo, ako ay nagtiwala.

6Kayo ay aking kasama, mula nang akoʼy isilang; sa sinapupunan ng aking ina, akoʼy inyong iningatan. Akoʼy magpupuri sa inyo, magpakailanman.

7Naging halimbawa ang buhay ko para sa karamihan, dahil kayo ang aking naging kalakasan at tagapag-ingat.

8Maghapon ko kayong pinapupurihan dahil sa inyong kahanga-hangang kagandahan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.