Awit 71

Naging halimbawa ang buhay ko para sa karamihan, dahil kayo ang aking naging kalakasan at tagapag-ingat.

Psalm 71:7 (UKJV) I am as a wonder unto many; but you are my strong refuge.

5Kayo ang aking pag-asa, O Makapangyarihang Panginoon. Mula noong akoʼy bata pa, sa inyo, ako ay nagtiwala.

6Kayo ay aking kasama, mula nang akoʼy isilang; sa sinapupunan ng aking ina, akoʼy inyong iningatan. Akoʼy magpupuri sa inyo, magpakailanman.

7Naging halimbawa ang buhay ko para sa karamihan, dahil kayo ang aking naging kalakasan at tagapag-ingat.

8Maghapon ko kayong pinapupurihan dahil sa inyong kahanga-hangang kagandahan.

9Huwag po ninyo akong iiwan kapag akoʼy matanda na. Huwag po ninyo akong pababayaan kapag akoʼy mahina na.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.