Awit 71

Huwag po ninyo akong iiwan kapag akoʼy matanda na. Huwag po ninyo akong pababayaan kapag akoʼy mahina na.

Psalm 71:9 (UKJV) Cast me not off in the time of old age; forsake me not when my strength fails.

7Naging halimbawa ang buhay ko para sa karamihan, dahil kayo ang aking naging kalakasan at tagapag-ingat.

8Maghapon ko kayong pinapupurihan dahil sa inyong kahanga-hangang kagandahan.

9Huwag po ninyo akong iiwan kapag akoʼy matanda na. Huwag po ninyo akong pababayaan kapag akoʼy mahina na.

10Dahil nag-uusap-usap ang aking mga kaaway at nagbabalak na akoʼy patayin.

11Sinasabi nilang, “Pinabayaan na siya ng Diyos, kaya habulin natin siya at dakpin sapagkat wala namang magliligtas sa kanya.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.