Awit 71

Sinasabi nilang, “Pinabayaan na siya ng Diyos, kaya habulin natin siya at dakpin sapagkat wala namang magliligtas sa kanya.”

Psalm 71:11 (UKJV) Saying, God has forsaken him: persecute and take him; for there is none to deliver him.

9Huwag po ninyo akong iiwan kapag akoʼy matanda na. Huwag po ninyo akong pababayaan kapag akoʼy mahina na.

10Dahil nag-uusap-usap ang aking mga kaaway at nagbabalak na akoʼy patayin.

11Sinasabi nilang, “Pinabayaan na siya ng Diyos, kaya habulin natin siya at dakpin sapagkat wala namang magliligtas sa kanya.”

12O Diyos ko, huwag nʼyo po akong layuan; at akoʼy agad ninyong saklolohan.

13Nawa silang sa akin ay nagpaparatang ay mapahiya at mapahamak. Ang mga nagnanais na akoʼy saktan ang siya sanang kutyain at malagay sa kahihiyan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.