Awit 71

Nawa silang sa akin ay nagpaparatang ay mapahiya at mapahamak. Ang mga nagnanais na akoʼy saktan ang siya sanang kutyain at malagay sa kahihiyan.

Psalm 71:13 (UKJV) Let them be confounded and consumed that are adversaries to my soul; let them be covered with reproach and dishonour that seek my hurt.

11Sinasabi nilang, “Pinabayaan na siya ng Diyos, kaya habulin natin siya at dakpin sapagkat wala namang magliligtas sa kanya.”

12O Diyos ko, huwag nʼyo po akong layuan; at akoʼy agad ninyong saklolohan.

13Nawa silang sa akin ay nagpaparatang ay mapahiya at mapahamak. Ang mga nagnanais na akoʼy saktan ang siya sanang kutyain at malagay sa kahihiyan.

14Ngunit ako, O Diyos ay palaging aasa at lalo pang magpupuri sa inyo.

15Maghapon kong sasabihin na matuwid kayo at nagliligtas, kahit na hindi ko lubusang maunawaan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.