Awit 72

Sumagana sana ang ani sa lupain maging sa tuktok ng bundok, katulad ng mga ani sa Lebanon. Dumami rin sana ang mga tao sa mga lungsod, kasindami ng damo sa mga parang.

Psalm 72:16 (UKJV) There shall be an handful of corn in the earth upon the top of the mountains; the fruit thereof shall shake like Lebanon: and they of the city shall flourish like grass of the earth.

14Ililigtas niya sila sa mga malulupit at mapang-api dahil para sa kanya, ang buhay nilaʼy mahalaga.

15Mabuhay sana ang hari nang matagal. Sanaʼy mabigyan siya ng ginto mula sa Sheba. Sanaʼy idalangin palagi ng mga tao na pagpalain siya ng Diyos.

16Sumagana sana ang ani sa lupain maging sa tuktok ng bundok, katulad ng mga ani sa Lebanon. Dumami rin sana ang mga tao sa mga lungsod, kasindami ng damo sa mga parang.

17Huwag sanang malimutan ang pangalan ng hari magpakailanman, habang sumisikat pa ang araw. Sa pamamagitan sana niya ay pagpalain ng Diyos ang lahat ng bansa, at sabihin sana ng mga ito na siyaʼy pinagpala ng Diyos.

18Purihin ang Panginoong Diyos, ang Diyos ng Israel, na siyang tanging nakagagawa ng mga bagay na kamangha-mangha.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.