15Kung sasabihin ko rin ang sinabi nila, para na rin akong nagtraydor sa inyong mga mamamayan.
16Kaya sinikap kong unawain ang mga bagay na ito, pero napakahirap.
17Ngunit nang pumunta ako sa inyong santuwaryo, doon ko naunawaan ang kahihinatnan ng masama.
18Tunay na inilalagay nʼyo sila sa madulas na daan, at ibinabagsak sa kapahamakan.
19Bigla silang mapapahamak; mamamatay silang lahat at nakakatakot ang kanilang kahahantungan.