18Tunay na inilalagay nʼyo sila sa madulas na daan, at ibinabagsak sa kapahamakan.
19Bigla silang mapapahamak; mamamatay silang lahat at nakakatakot ang kanilang kahahantungan.
20Para silang isang panaginip na sa pagsapit ng umaga ay wala na, O Panginoon. Makakalimutan na sila kapag silaʼy pinarusahan nʼyo na.
21Nang nasaktan ang aking damdamin at nagtanim ako ng sama ng loob,
22para akong naging hayop sa inyong paningin, mangmang at hindi nakakaunawa.