26Manghina man ang aking katawan at isipan, kayo, O Diyos, ang aking kalakasan. Kayo lang ang kailangan ko magpakailanman.
27Ang mga taong lumalayo sa inyo ay tiyak na mapapahamak. Ang mga nagtaksil sa inyo ay lilipuling lahat.
28Ngunit ako, minabuti kong maging malapit sa Diyos. Kayo, O Makapangyarihang Panginoon, ang pinili kong kanlungan, upang maihayag ko ang lahat ng inyong mga ginawa.