Awit 73

Manghina man ang aking katawan at isipan, kayo, O Diyos, ang aking kalakasan. Kayo lang ang kailangan ko magpakailanman.

Psalm 73:26 (UKJV) My flesh and my heart fails: but God is the strength of my heart, and my portion for ever.

24Ang inyong mga payo ang nagsisilbing gabay ko, at akoʼy dadalhin ninyo sa marangal na hantungan.

25Walang sinuman sa langit ang kailangan ko kundi kayo lamang. At walang anuman sa mundo ang hinahangad ko maliban sa inyo.

26Manghina man ang aking katawan at isipan, kayo, O Diyos, ang aking kalakasan. Kayo lang ang kailangan ko magpakailanman.

27Ang mga taong lumalayo sa inyo ay tiyak na mapapahamak. Ang mga nagtaksil sa inyo ay lilipuling lahat.

28Ngunit ako, minabuti kong maging malapit sa Diyos. Kayo, O Makapangyarihang Panginoon, ang pinili kong kanlungan, upang maihayag ko ang lahat ng inyong mga ginawa.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.