Awit 73

Ang inyong mga payo ang nagsisilbing gabay ko, at akoʼy dadalhin ninyo sa marangal na hantungan.

Psalm 73:24 (UKJV) You shall guide me with your counsel, and afterward receive me to glory.

22para akong naging hayop sa inyong paningin, mangmang at hindi nakakaunawa.

23Ngunit patuloy akong lumapit sa inyo at akoʼy inakay nʼyo.

24Ang inyong mga payo ang nagsisilbing gabay ko, at akoʼy dadalhin ninyo sa marangal na hantungan.

25Walang sinuman sa langit ang kailangan ko kundi kayo lamang. At walang anuman sa mundo ang hinahangad ko maliban sa inyo.

26Manghina man ang aking katawan at isipan, kayo, O Diyos, ang aking kalakasan. Kayo lang ang kailangan ko magpakailanman.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.