23Ngunit patuloy akong lumapit sa inyo at akoʼy inakay nʼyo.
24Ang inyong mga payo ang nagsisilbing gabay ko, at akoʼy dadalhin ninyo sa marangal na hantungan.
25Walang sinuman sa langit ang kailangan ko kundi kayo lamang. At walang anuman sa mundo ang hinahangad ko maliban sa inyo.
26Manghina man ang aking katawan at isipan, kayo, O Diyos, ang aking kalakasan. Kayo lang ang kailangan ko magpakailanman.
27Ang mga taong lumalayo sa inyo ay tiyak na mapapahamak. Ang mga nagtaksil sa inyo ay lilipuling lahat.