5Ang mga pagdurusang karaniwang nararanasan ng tao sa mundong ibabaw ay di nila naranasan. Hindi sila dumaranas ng hirap, di tulad ng kanilang kapwa.
6Kaya ipinapakita nila ang kanilang kayabangan at kalupitan.
7Ang kanilang puso ay puno ng kasamaan, at ang laging iniisip ay paggawa ng masama.
8Kinukutya nila at pinagsasabihan ng masama ang iba. Mayayabang sila at nagbabantang mananakit.
9Nagsasalita sila ng masama laban sa Diyos at sa kanilang kapwa.