6Kaya ipinapakita nila ang kanilang kayabangan at kalupitan.
7Ang kanilang puso ay puno ng kasamaan, at ang laging iniisip ay paggawa ng masama.
8Kinukutya nila at pinagsasabihan ng masama ang iba. Mayayabang sila at nagbabantang mananakit.
9Nagsasalita sila ng masama laban sa Diyos at sa kanilang kapwa.
10Kaya ang mga mamamayan ng Diyos ay lumilingon sa kanila at pinaniniwalaan ang kanilang mga sinasabi.