8Sinabi nila sa kanilang sarili, “Lipulin natin silang lahat!” Sinunog nila ang lahat ng lugar na pinagsasambahan sa inyo, O Diyos.
9Wala nang palatandaan na kasama namin kayo. Wala nang propetang naiwan at walang nakakaalam kung hanggang kailan matatapos ang mga nangyayaring ito sa amin.
10O Diyos, hanggang kailan kayo kukutyain ng aming mga kaaway? Papayagan nʼyo ba silang lapastanganin ang inyong pangalan habambuhay?
11Bakit wala kayong ginagawa? Kumilos na kayo! Puksain nʼyo na sila!
12Kayo, O Diyos, ang aming Hari mula pa noong una. Paulit-ulit nʼyo nang iniligtas ang mga tao sa mundo.