Awit 74

Alalahanin nʼyo ang mga mamamayan na inyong pinili, ang lahing tinubos nʼyo, mula pa noong una at ginawa nʼyong pinakanatatanging kayamanan. Alalahanin nʼyo rin ang bundok ng Zion na inyong tahanan.

Psalm 74:2 (UKJV) Remember your congregation, which you have purchased of old; the rod of yours inheritance, which you have redeemed; this mount Zion, wherein you have dwelt.

1O Diyos, hanggang kailan mo kami itatakwil? Bakit kayo nagagalit sa mga taong inyong kinakalinga?

2Alalahanin nʼyo ang mga mamamayan na inyong pinili, ang lahing tinubos nʼyo, mula pa noong una at ginawa nʼyong pinakanatatanging kayamanan. Alalahanin nʼyo rin ang bundok ng Zion na inyong tahanan.

3Puntahan nʼyo ang lugar na sira pa rin hanggang ngayon; tingnan nʼyo kung paanong sinira ng mga kaaway ang lahat sa Templo.

4Sumigaw sila sa loob ng inyong Templo. Nagtaas pa sila roon ng mga bandila bilang simbolo ng kanilang tagumpay.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.