Awit 75

Sinabi nʼyo O Diyos, “May itinakda akong panahon ng paghatol at hahatol ako nang walang kinikilingan.”

Psalm 75:2 (UKJV) When I shall receive the congregation I will judge uprightly.

1O Diyos, nagpapasalamat kami sa inyo. Nagpapasalamat kami dahil malapit kayo sa amin. Ipinapahayag ng mga tao ang inyong mga kahanga-hangang gawa.

2Sinabi nʼyo O Diyos, “May itinakda akong panahon ng paghatol at hahatol ako nang walang kinikilingan.”

3Kapag yumanig ang mundo at ang mga taoʼy magkagulo sa takot, ako ang magpapatibay ng pundasyon ng mundo.

4Sinasabi ko sa mga hambog, “Huwag kayong magyabang” at sa masasama, “Huwag ninyong ipagmalaki ang inyong kakayahan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.