6O Diyos ni Jacob, sa inyong sigaw, ang mga kawal at ang kanilang mga kabayo ay namatay.
7Kaya dapat kayong katakutan. Sinong makakatagal sa inyong harapan kapag kayoʼy nagalit?
8Mula sa langit ay humatol kayo. Ang mga tao sa mundo ay natakot at tumahimik
9nang humatol kayo, O Diyos, upang iligtas ang lahat ng inaapi sa daigdig.
10Tiyak na ang galit nʼyo sa mga tao ay magbibigay ng karangalan sa inyo, ngunit hindi nʼyo pa lubusang ibinubuhos ang inyong galit.