8Nawala na ba talaga ang pag-ibig niya para sa akin? Ang kanyang pangako ba ay hindi na niya tutuparin?
9Nakalimutan na ba niyang maging maawain? Dahil ba sa kanyang galit ay nawala na ang kanyang habag?”
10At sinabi ko, “Ang pinakamasakit para sa akin ay ang malamang hindi na tumutulong ang Kataas-taasang Diyos.”
11Panginoon, aalalahanin ko ang inyong mga gawa. Gugunitain ko ang mga himalang ginawa nʼyo noon.
12Iisipin ko at pagbubulay-bulayan ang lahat ng inyong mga dakilang gawa.