16Ang mga tubig, O Diyos ay natakot at nanginig, pagkakita sa inyo.
17Mula sa mga ulap ay bumuhos ang ulan, kumulog sa langit at kumidlat kung saan-saan.
18Narinig ang kulog mula sa napakalakas na hangin; ang mga kidlat ay nagbigay-liwanag sa mundo, at nayanig ang buong daigdig.
19Tinawid nʼyo ang karagatang may malalaking alon, ngunit kahit mga bakas ng paa nʼyo ay hindi nakita.
20Pinatnubayan ninyo ang inyong mga mamamayan na parang kawan, sa pamamagitan nina Moises at Aaron.