Awit 78

Tuturuan ko kayo sa pamamagitan ng paghahalintulad. Sasabihin ko sa inyo ang mga lihim na katotohanan ng nakaraan.

Psalm 78:2 (UKJV) I will open my mouth in a parable: I will utter dark sayings of old:

1Mga kababayan, ang mga turo koʼy inyong pakinggan. Sundin ninyo ang aking mga salita.

2Tuturuan ko kayo sa pamamagitan ng paghahalintulad. Sasabihin ko sa inyo ang mga lihim na katotohanan ng nakaraan.

3Napakinggan na natin ito at nalaman. Sinabi ito sa atin ng ating mga ninuno.

4Hindi natin ito ililihim sa ating mga anak; sasabihin natin sa mga susunod na henerasyon ang kapangyarihan ng Panginoon at ang mga kahanga-hanga niyang gawa.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.