Awit 78

Hindi natin ito ililihim sa ating mga anak; sasabihin natin sa mga susunod na henerasyon ang kapangyarihan ng Panginoon at ang mga kahanga-hanga niyang gawa.

Psalm 78:4 (UKJV) We will not hide them from their children, showing to the generation to come the praises of the LORD, and his strength, and his wonderful works that he has done.

2Tuturuan ko kayo sa pamamagitan ng paghahalintulad. Sasabihin ko sa inyo ang mga lihim na katotohanan ng nakaraan.

3Napakinggan na natin ito at nalaman. Sinabi ito sa atin ng ating mga ninuno.

4Hindi natin ito ililihim sa ating mga anak; sasabihin natin sa mga susunod na henerasyon ang kapangyarihan ng Panginoon at ang mga kahanga-hanga niyang gawa.

5Ibinigay niya ang kanyang mga kautusan kay Jacob; ginawa niya itong batas ng Israel. Iniutos niya sa ating mga ninuno na ituro ito sa kanilang mga anak,

6upang itoʼy malaman din ng susunod na henerasyon at ituturo rin nila sa kanilang mga anak.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.