Awit 78

Ibinigay niya ang kanyang mga kautusan kay Jacob; ginawa niya itong batas ng Israel. Iniutos niya sa ating mga ninuno na ituro ito sa kanilang mga anak,

Psalm 78:5 (UKJV) For he established a testimony in Jacob, and appointed a law in Israel, which he commanded our fathers, that they should make them known to their children:

3Napakinggan na natin ito at nalaman. Sinabi ito sa atin ng ating mga ninuno.

4Hindi natin ito ililihim sa ating mga anak; sasabihin natin sa mga susunod na henerasyon ang kapangyarihan ng Panginoon at ang mga kahanga-hanga niyang gawa.

5Ibinigay niya ang kanyang mga kautusan kay Jacob; ginawa niya itong batas ng Israel. Iniutos niya sa ating mga ninuno na ituro ito sa kanilang mga anak,

6upang itoʼy malaman din ng susunod na henerasyon at ituturo rin nila sa kanilang mga anak.

7Sa ganitong paraan, magtitiwala sila sa Diyos at hindi nila makakalimutan ang kanyang mga ginawa, at susundin nila ang kanyang mga utos.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.