Awit 78

Sa ganitong paraan, magtitiwala sila sa Diyos at hindi nila makakalimutan ang kanyang mga ginawa, at susundin nila ang kanyang mga utos.

Psalm 78:7 (UKJV) That they might set their hope in God, and not forget the works of God, but keep his commandments:

5Ibinigay niya ang kanyang mga kautusan kay Jacob; ginawa niya itong batas ng Israel. Iniutos niya sa ating mga ninuno na ituro ito sa kanilang mga anak,

6upang itoʼy malaman din ng susunod na henerasyon at ituturo rin nila sa kanilang mga anak.

7Sa ganitong paraan, magtitiwala sila sa Diyos at hindi nila makakalimutan ang kanyang mga ginawa, at susundin nila ang kanyang mga utos.

8Hindi sila magiging katulad ng kanilang mga ninuno na matitigas ang ulo, suwail, hindi lubos ang pagtitiwala sa Diyos, at hindi tapat sa kanya.

9Bagamaʼt may mga pana ang mga taga-Efraim, umaatras naman sila sa oras ng labanan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.