1O Diyos, sinalakay ng mga dayuhan ang lupaing pag-aari ninyo. Nilapastangan nila ang inyong banal na Templo at winasak ang Jerusalem.
2Ipinakain nila sa mababangis na ibon at hayop ang bangkay ng inyong tapat na mga lingkod.
3Parang tubig na pinadaloy nila ang dugo ng inyong mga mamamayan sa buong Jerusalem, at wala ni isa mang natira sa kanila upang ilibing ang mga namatay.
4Kinukutya kami at inilalagay sa kahihiyan ng mga bansa sa palibot namin.
5Panginoon, hanggang kailan kayo magagalit sa amin? Wala na ba itong katapusan? Hanggang kailan mag-aapoy ang inyong panibugho?