10Nalililiman ng mga sanga nito ang mga bundok at ang malalaking puno ng sedro.
11Umabot ang kanyang mga sanga hanggang sa Dagat Mediteraneo at hanggang sa Ilog ng Eufrates.
12Ngunit bakit nʼyo sinira, O Diyos, ang bakod nito? Kaya ninanakaw ng mga dumadaan ang mga bunga nito.
13At kinain din ito ng mga baboy-ramo at iba pang hayop sa gubat.
14O Diyos na Makapangyarihan, bumalik na kayo sa amin. Mula sa langit, kami ay inyong pagmasdan. Alalahanin ninyo ang inyong mga mamamayan,