12Ngunit bakit nʼyo sinira, O Diyos, ang bakod nito? Kaya ninanakaw ng mga dumadaan ang mga bunga nito.
13At kinain din ito ng mga baboy-ramo at iba pang hayop sa gubat.
14O Diyos na Makapangyarihan, bumalik na kayo sa amin. Mula sa langit, kami ay inyong pagmasdan. Alalahanin ninyo ang inyong mga mamamayan,
15na tulad ng puno ng ubas na inyong itinanim sa pamamagitan ng inyong kapangyarihan. Alalahanin nʼyo kami na inyong mga anak na pinatatag nʼyo para sa inyong kapurihan.
16O Diyos, upang kaming mga puno ng ubas na pinutol at sinunog. Tiningnan nʼyo kami nang may galit, at nilipol.