Awit 81

Ako ang Panginoon na inyong Diyos. Ako ang naglabas sa inyo mula sa lupain ng Ehipto. Humingi kayo sa akin at ibibigay ko sa inyo ang mga pangangailangan ninyo.

Psalm 81:10 (UKJV) I am the LORD your God, which brought you out of the land of Egypt: open your mouth wide, and I will fill it.

8Mga Israelita, aking mamamayan, pakinggan ninyo itong babala ko sa inyo. Makinig kayo sa akin!

9Wala kayong ibang magiging diyos kundi ako lang. Huwag kayong sumamba sa diyos-diyosan.

10Ako ang Panginoon na inyong Diyos. Ako ang naglabas sa inyo mula sa lupain ng Ehipto. Humingi kayo sa akin at ibibigay ko sa inyo ang mga pangangailangan ninyo.

11Ngunit kayong mga Israelita na aking mga mamamayan, hindi kayo nakinig at sumunod sa akin.

12Kaya hinayaan ko kayo sa katigasan ng inyong ulo at ginawa ninyo ang inyong gusto.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.