4Iligtas ninyo ang mahihina at mga nangangailangan mula sa kamay ng mga masasama!
5“Wala silang nalalaman! Hindi sila nakakaintindi! Wala silang pag-asa, namumuhay sila sa kadiliman at niyayanig nila ang pundasyon ng mundo.
6“Sinabi ko, ‘Kayoʼy mga diyos, mga anak ng Kataas-taasang Diyos.’
7Ngunit gaya ng ibang mga namumuno ay babagsak kayo, at gaya ng ibang tao ay mamamatay din kayo.”
8O Diyos, hatulan nʼyo na ang lahat ng bansa sa mundo, sapagkat sila namaʼy sa inyo.