3Bigyan ninyo ng katarungan ang mga dukha at ulila. Ipagtanggol ninyo ang karapatan ng mga mahihirap at inaapi.
4Iligtas ninyo ang mahihina at mga nangangailangan mula sa kamay ng mga masasama!
5“Wala silang nalalaman! Hindi sila nakakaintindi! Wala silang pag-asa, namumuhay sila sa kadiliman at niyayanig nila ang pundasyon ng mundo.
6“Sinabi ko, ‘Kayoʼy mga diyos, mga anak ng Kataas-taasang Diyos.’
7Ngunit gaya ng ibang mga namumuno ay babagsak kayo, at gaya ng ibang tao ay mamamatay din kayo.”