Awit 82

Bigyan ninyo ng katarungan ang mga dukha at ulila. Ipagtanggol ninyo ang karapatan ng mga mahihirap at inaapi.

Psalm 82:3 (UKJV) Defend the poor and fatherless: do justice to the afflicted and needy.

1Pinamumunuan ng Diyos ang pagtitipon ng kanyang mga mamamayan. Sa gitna ng mga hukom siya ang humahatol sa kanila.

2Sinabi niya sa kanila, “Hanggang kailan kayo hahatol nang hindi tama? Hanggang kailan ninyo papaboran ang masasamâ?

3Bigyan ninyo ng katarungan ang mga dukha at ulila. Ipagtanggol ninyo ang karapatan ng mga mahihirap at inaapi.

4Iligtas ninyo ang mahihina at mga nangangailangan mula sa kamay ng mga masasama!

5“Wala silang nalalaman! Hindi sila nakakaintindi! Wala silang pag-asa, namumuhay sila sa kadiliman at niyayanig nila ang pundasyon ng mundo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.