Awit 86

Bigyang-pansin nʼyo ako at kahabagan; bigyan nʼyo ako ng inyong kalakasan at iligtas ako na inyong lingkod.

Psalm 86:16 (UKJV) O turn unto me, and have mercy upon me; give your strength unto your servant, and save the son of yours handmaid.

14O Diyos, sinasalakay ako ng mga mayayabang gusto akong patayin ng mga walang awa. Malulupit sila at hindi kumikilala sa inyo.

15Ngunit kayo, Panginoon, ay Diyos na nagmamalasakit at mahabagin. Wagas ang pag-ibig nʼyo, at hindi kayo madaling magalit.

16Bigyang-pansin nʼyo ako at kahabagan; bigyan nʼyo ako ng inyong kalakasan at iligtas ako na inyong lingkod.

17Ipakita sa akin ang tanda ng inyong kabutihan, upang makita ito ng aking mga kaaway at nang silaʼy mapahiya. Dahil kayo, Panginoon, ang tumutulong at umaaliw sa akin.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.