Awit 88

Mula pa sa pagkabataʼy hirap na ang dinanas, at nalagay pa sa bingit ng kamatayan. Tiniis ko ang mga nakakatakot na ginawa nʼyo sa akin.

Psalm 88:15 (UKJV) I am afflicted and ready to die from my youth up: while I suffer your terrors I am distracted.

13Kaya Panginoon, humihingi ako ng tulong sa inyo. Tuwing umaga, akoʼy nananalangin sa inyo.

14Ngunit bakit nʼyo ako itinatakwil Panginoon? Bakit nʼyo ako pinagtataguan?

15Mula pa sa pagkabataʼy hirap na ang dinanas, at nalagay pa sa bingit ng kamatayan. Tiniis ko ang mga nakakatakot na ginawa nʼyo sa akin.

16Ang inyong galit ay humampas sa akin na parang malakas na hangin. Halos mamatay ako sa mga nakakatakot na ipinaranas nʼyo sa akin.

17Dumating ang mga ito na parang bahang lumamon sa akin.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.