22Hindi siya malilinlang ng kanyang mga kaaway. Hindi magtatagumpay laban sa kanya ang masasamâ.
23Dudurugin ko sa kanyang harapan ang kanyang mga kaaway, at lilipulin ang mga may galit sa kanya.
24Mamahalin ko siya at dadamayan. At sa pamamagitan ng aking kapangyarihan ay magtatagumpay siya.
25Paghahariin ko siya mula sa Dagat ng Mediteraneo hanggang sa Ilog ng Eufrates.
26Sasabihin niya sa akin, ‘Kayo ang aking Ama, ang aking Diyos, ang Bato na aking kanlungan at kaligtasan.’