20Si David na aking lingkod ang pinili kong hari sa pamamagitan ng pagpahid sa kanya ng banal na langis.
21Ang kapangyarihan ko ang makakasama niya, at magpapalakas sa kanya.
22Hindi siya malilinlang ng kanyang mga kaaway. Hindi magtatagumpay laban sa kanya ang masasamâ.
23Dudurugin ko sa kanyang harapan ang kanyang mga kaaway, at lilipulin ang mga may galit sa kanya.
24Mamahalin ko siya at dadamayan. At sa pamamagitan ng aking kapangyarihan ay magtatagumpay siya.