26Sasabihin niya sa akin, ‘Kayo ang aking Ama, ang aking Diyos, ang Bato na aking kanlungan at kaligtasan.’
27Ituturing ko siyang panganay kong anak, ang pinakamakapangyarihan sa lahat ng hari.
28Ang pag-ibig ko sa kanyaʼy magpakailanman at ang kasunduan ko sa kanyaʼy mananatili.
29Ang bawat hari ng Israel ay magmumula sa kanyang angkan; ang kanyang paghahari ay magiging matatag tulad ng kalangitan at mananatili magpakailanman.
30Ngunit kung ang mga anak niya ay tumalikod sa aking kautusan at hindi mamumuhay ayon sa aking pamamaraan,