28Ang pag-ibig ko sa kanyaʼy magpakailanman at ang kasunduan ko sa kanyaʼy mananatili.
29Ang bawat hari ng Israel ay magmumula sa kanyang angkan; ang kanyang paghahari ay magiging matatag tulad ng kalangitan at mananatili magpakailanman.
30Ngunit kung ang mga anak niya ay tumalikod sa aking kautusan at hindi mamumuhay ayon sa aking pamamaraan,
31at kung lalabagin nila ang aking mga tuntunin at kautusan,
32parurusahan ko sila sa kanilang mga kasalanan.