Awit 89

Nangako na ako kay David ayon sa aking kabanalan at hindi ako maaaring magsinungaling.

Psalm 89:35 (UKJV) Once have I sworn by my holiness that I will not lie unto David.

33Ngunit mamahalin ko pa rin at dadamayan si David.

34Hindi ko sisirain ang aking kasunduan sa kanya, at hindi ko babawiin ang aking ipinangako sa kanya.

35Nangako na ako kay David ayon sa aking kabanalan at hindi ako maaaring magsinungaling.

36Ang bawat hari ng Israel ay magmumula sa kanyang lahi magpakailanman, gaya ng araw,

37at magpapatuloy ito magpakailanman katulad ng buwan na itinuturing na tapat na saksi sa kalangitan.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.