34Hindi ko sisirain ang aking kasunduan sa kanya, at hindi ko babawiin ang aking ipinangako sa kanya.
35Nangako na ako kay David ayon sa aking kabanalan at hindi ako maaaring magsinungaling.
36Ang bawat hari ng Israel ay magmumula sa kanyang lahi magpakailanman, gaya ng araw,
37at magpapatuloy ito magpakailanman katulad ng buwan na itinuturing na tapat na saksi sa kalangitan.”
38Ngunit, Panginoon, nagalit kayo sa inyong piniling hari; itinakwil nʼyo siya at iniwanan.