36Ang bawat hari ng Israel ay magmumula sa kanyang lahi magpakailanman, gaya ng araw,
37at magpapatuloy ito magpakailanman katulad ng buwan na itinuturing na tapat na saksi sa kalangitan.”
38Ngunit, Panginoon, nagalit kayo sa inyong piniling hari; itinakwil nʼyo siya at iniwanan.
39Binawi nʼyo ang kasunduan sa inyong lingkod at kinuha sa kanya ang kapangyarihan bilang hari.
40Winasak ninyo ang mga pader ng kanyang lungsod at ginuho ang mga pinagtataguan nila.