Awit 89

Sinong tao ang hindi mamamatay? Maiiwasan ba ng tao ang kamatayan?

Psalm 89:48 (UKJV) What man is he that lives, and shall not see death? shall he deliver his soul from the hand of the grave? Selah.

46Panginoon, hanggang kailan nʼyo kami pagtataguan? Wala na ba itong katapusan? Hanggang kailan mag-aapoy ang inyong galit sa amin?

47Alalahanin nʼyo kung gaano kaiksi ang buhay ng tao. Alalahanin nʼyong nilikha nʼyo ang tao na may kamatayan.

48Sinong tao ang hindi mamamatay? Maiiwasan ba ng tao ang kamatayan?

49Panginoon, nasaan na ang dati ninyong pag-ibig? Ang pag-ibig na ipinangako nʼyo kay David ayon sa inyong katapatan sa kanya?

50Alalahanin nʼyo, Panginoon, kung paanong hiniya ng maraming bansa ang iyong lingkod at ito ay aking tiniis.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.