49Panginoon, nasaan na ang dati ninyong pag-ibig? Ang pag-ibig na ipinangako nʼyo kay David ayon sa inyong katapatan sa kanya?
50Alalahanin nʼyo, Panginoon, kung paanong hiniya ng maraming bansa ang iyong lingkod at ito ay aking tiniis.
51Ang mga kaaway nʼyo, Panginoon, ang siyang kumukutya sa pinili nʼyong hari, saan man siya magpunta.
52Purihin ang Panginoon magpakailanman! Amen! Amen!