1Kayo ay hari, Panginoon; nadadamitan ng karangalan at kapangyarihan. Matatag ninyong itinayo ang mundo kaya hindi ito matitinag.
2Ang inyong trono ay naitatag na simula pa noong una, naroon na kayo noon pa man.
3Panginoon, umuugong ang dagat at nagngangalit ang mga alon.