Awit 95

Lumapit tayo sa kanya nang may pasasalamat, at masaya nating isigaw ang mga awit ng papuri sa kanya.

Psalm 95:2 (UKJV) Let us come before his presence with thanksgiving, and make a joyful noise unto him with psalms.

1Halikayo, magsiawit tayo nang may kagalakan! Sumigaw tayo sa pagpupuri sa Panginoon na ating Batong kanlungan at tagapagligtas.

2Lumapit tayo sa kanya nang may pasasalamat, at masaya nating isigaw ang mga awit ng papuri sa kanya.

3Dahil ang Panginoon ay dakilang Diyos. Makapangyarihang Hari sa lahat ng mga diyos-diyosan.

4Hawak niya ang kailaliman ng lupa maging ang tuktok ng mga bundok ay sa kanya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.