Awit 95

Hawak niya ang kailaliman ng lupa maging ang tuktok ng mga bundok ay sa kanya.

Psalm 95:4 (UKJV) In his hand are the deep places of the earth: the strength of the hills is his also.

2Lumapit tayo sa kanya nang may pasasalamat, at masaya nating isigaw ang mga awit ng papuri sa kanya.

3Dahil ang Panginoon ay dakilang Diyos. Makapangyarihang Hari sa lahat ng mga diyos-diyosan.

4Hawak niya ang kailaliman ng lupa maging ang tuktok ng mga bundok ay sa kanya.

5Sa kanya rin ang dagat pati ang lupain na kanyang ginawa.

6Halikayo, lumuhod tayo at sumamba sa Panginoon na lumikha sa atin.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.