3Dahil ang Panginoon ay dakilang Diyos. Makapangyarihang Hari sa lahat ng mga diyos-diyosan.
4Hawak niya ang kailaliman ng lupa maging ang tuktok ng mga bundok ay sa kanya.
5Sa kanya rin ang dagat pati ang lupain na kanyang ginawa.
6Halikayo, lumuhod tayo at sumamba sa Panginoon na lumikha sa atin.
7Dahil siya ang ating Diyos at tayo ang kanyang mga mamamayan; tulad natiʼy mga tupa sa kanyang kawan na kanyang binabantayan at inaalagaan. Kung maririnig nʼyo lang sana ang tinig niya!