5Sa kanya rin ang dagat pati ang lupain na kanyang ginawa.
6Halikayo, lumuhod tayo at sumamba sa Panginoon na lumikha sa atin.
7Dahil siya ang ating Diyos at tayo ang kanyang mga mamamayan; tulad natiʼy mga tupa sa kanyang kawan na kanyang binabantayan at inaalagaan. Kung maririnig nʼyo lang sana ang tinig niya!
8Sinasabi ng Panginoon, “Huwag ninyong patigasin ang inyong puso, tulad ng ginawa noon ng inyong mga ninuno doon sa Meriba at sa ilang ng Masa.
9Sinubok nila ako doon, kahit na nakita nila ang mga ginawa ko.