Awit 95

Sinasabi ng Panginoon, “Huwag ninyong patigasin ang inyong puso, tulad ng ginawa noon ng inyong mga ninuno doon sa Meriba at sa ilang ng Masa.

Psalm 95:8 (UKJV) Harden not your heart, as in the provocation, and as in the day of temptation in the wilderness:

6Halikayo, lumuhod tayo at sumamba sa Panginoon na lumikha sa atin.

7Dahil siya ang ating Diyos at tayo ang kanyang mga mamamayan; tulad natiʼy mga tupa sa kanyang kawan na kanyang binabantayan at inaalagaan. Kung maririnig nʼyo lang sana ang tinig niya!

8Sinasabi ng Panginoon, “Huwag ninyong patigasin ang inyong puso, tulad ng ginawa noon ng inyong mga ninuno doon sa Meriba at sa ilang ng Masa.

9Sinubok nila ako doon, kahit na nakita nila ang mga ginawa ko.

10Sa loob ng apatnapung taon, lubha akong nagalit sa kanila. At sinabi kong silaʼy mga taong naligaw ng landas at hindi sumusunod sa aking mga itinuturo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.