Awit 95

Sa loob ng apatnapung taon, lubha akong nagalit sa kanila. At sinabi kong silaʼy mga taong naligaw ng landas at hindi sumusunod sa aking mga itinuturo.

Psalm 95:10 (UKJV) Forty years long was I grieved with this generation, and said, It is a people that do go astray in their heart, and they have not known my ways:

8Sinasabi ng Panginoon, “Huwag ninyong patigasin ang inyong puso, tulad ng ginawa noon ng inyong mga ninuno doon sa Meriba at sa ilang ng Masa.

9Sinubok nila ako doon, kahit na nakita nila ang mga ginawa ko.

10Sa loob ng apatnapung taon, lubha akong nagalit sa kanila. At sinabi kong silaʼy mga taong naligaw ng landas at hindi sumusunod sa aking mga itinuturo.

11Kaya sa galit koʼy sumumpa ako na hinding-hindi nila mararanasan ang kapahingahang inilaan ko sa kanila.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.